« Mid Term Exam sa Panahon ng Finals | Main | Those Who Looked Into Their Shadows »

October 18, 2006

gaano ka ka-CUTE??

AKALA MO BA CUTE KA KAPAG:

*...nakalabas at kagat-kagat mo ang dila mo habang naka-smile sa camera?
(di mo lang alam, mukha kang na-stroke na kambing...)

*...isan-daan at tatlumpu't anim na beses mo nang kinukuhanan ng litrato ang sarili mo sa harapan ng iisang salamin?
(di mo lang alam, para ka nang model ng Funeraria. GANITO PO ANG KALALABASAN NI MISIS PAGKATAPOS SIYANG MAAYUSAN.)

*panay ang flex mo ng muscles...flex dito..flex doon..habang kinukuhanan mo ng litrato ang sarili mo katulad ni Ms. Funeraria?
(di mo lang alam, ikaw na pala ang life-size version ni Hulk, ung adik sa steriods.)

*sunod ka nang sunod sa uso kahit na sinisipa ka na ni Uso?
(di mo lang alam, kaya ka ginawang rational na nilalang ay upang mag-isip ng sariling diskarte at di sumunod sa lahat ng mga bagay na pinapauso lng na tao.)

*tatlong oras ka ng umiininom ng iisa lang naman na kape sa Starbuck's nang wala namang lohikal na rason bakit ganoon ka na katagal doon?
(di mo lang alam, "pakitangtao ka lang. maging praktikal." eto ang sabi ni Bob Ong.)

*kabilang ka sa samahan ng mga magaganda at guwapo na wala na mang ibang ginawa kundi manglait ng kapwa nila?
(di mo lang alam, pangit silang lahat. kung kasama ka pa rin sa kanila, sori sori man pero pangit ka rin. Peksman!)

pasintabi lang hane? wag magre-react kung di ka nman kasama sa mga "feeling cute".
ang cute na tao, handang tumanggap ng kahit na ano mang bagay na nasa kanya, kung ano siya, at kung sino sya. di mayabang ang mga "tunay na cute". mababait at tunay na tao ang mga "tunay na cute". para nga sa iba, superheroes and heroines tulad ni super inggo at Zhazha Saturna(hehe ^_^) ang mga "tunay na cute". galing sa planet X ang mga "tunay na cute" kaya nga ang hirap nilang hanapin. Marami sa mundo ngaun eh ung counterpart ng "tunay na cute", ang mga "tunay na epal".

Lastly, di pala lahat ng super at talaga namang "tunay na cute" ay may dimple(s) gaya ni Aga Mulach.

ehem...ehem ehem!

Ang CUTE! wehehehe ^_^

                            

Comments

pare ako kyut!!!! wahahahaha!!!! nga pala si roy g. biv eh asawa ni miss tapia na may alagang baklang butanding sa planet x... in short, KYUT xa!!!! wahahaha!!!

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .