« Those Who Looked Into Their Shadows | Main | Care to drive me mad ? ? ? »

November 09, 2006

R-E-A-L Novela

naisip ko lang bakit game na game ang maraming mga pilipino sa telenovela? ung tipo bang halos kasuhan ka na ng murder dahil muntik mo nang mapatay un anak mo dahil iyak sya ng iyak at di mo na marinig ang sinasabi nun kontrabida sa bida. un tibo bang magpapahaba ka pa ng buhok, sabay magpaparebond+hair wax+celophane pa, bibili ng scarf at isusuot ito sa eskuwelahan sa kalagitnaan ng marso para lang gayahin ang F4 sa Meteor Garden. un tipong bang handa mong isugal ang iyong buhay sa pagluluto dahil lang sa gusto mong gayahin si Dyang Gyud (^_^ senxa di ko siya kilala) ng Jewel in the Palace. un tipo bang handa ka nang tumalon mula sa mataas na building, lumunok ng bato, at magsuot ng brip sa labas ng pantalon para lamang masabing in ka sa mga fantaserye. at un tipo bang wala ka nang pakelam sa exams,quizes,budgeting ng kakainin sa isang linggo, sa aso mong isang buwan nang di kumakain, sa kapitbahay mong sinasaksak na ng walang lubay...basta makapanood lang ng paborito mong telenovela, chinovela, koreanovela, sineserye, pantaserye, at teleserye.

LECHE.

wala lang. gusto ko lang sabihin. ^_^  o",)

eh panu naman kasi sa sobrang pagka-adik na natin sa mga ganyan eh nakakalimutan na natin ang isang napaka-importanteng bagay sa buhay natin. ano kamo? kasimple simple lang pero madaling kalimutan ang bagay na to: BUHAY. mas maganda pa nga ang istorya ng mga buhay ng mga tunay na tao kesa sa teleserye. iniisip lang natin na boring kasi di natin ito natututukan. mahirap kasi i-explain pero un na un. kau na kaya bahala mag-isip....kaya nu yan pag-isipan. kung teleserye nga na ilang oras eh pinapanood natin, sandaling pagmumuni muni pa kaya??

                            

Comments

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .