« her shadow. i am. forever. | Main | 12:19 minus past 8 o' clock = ^_^ »

April 02, 2007

Sawa na Sila sa Drama

sa dinami dami ba naman ng mga naglipanang mga drama shows ngaun weh gaganahan pa ba ang tao na umiyak?

Say sabihin na natin na iba't iba ang pangalan ng show, iba't iba ang mga TV stations, iba't iba din ang mga artista PERO...ganun at ganun din ang istorya.

Pare-parehas din kasi na meron nasasampal, siya't siya din na merong luha, ganun at ganun din na meron namamatay/pinapatay/napatay/nagpapakamatay/at gustong patayin, meron at meron din mga batang artista na sa murang edad weh nakakaranas na agad ng bulyawan/sigawan/sapakan at kung anu ano pa, pare-parehas din ang mga linya nila tulad ng "Di ko na kaya..." Weh taena...MAS LALONG DI NA NAMIN KAYA!!

mas gusto NILA ngaun ng comedy! ung tipo bang konting kibo lang weh hahagalpak ka na sa kakatawa. ung tipo bang babatukan lang ng mga 57 times weh matatawa ka na ng sobra dahil nakaluwa na ung mga mata (ung halos hawig na sa isang nagulat na butiki) at nakalaylay na ung ulo (parang pasmadong leeg ng manok) nung kawawa=uto uto na artista. ung tipo bang on-cam at nasa national television ang mga artista weh halos magbastusan na sila at gaguhin ultimo ung kanuno-nunoan mo dahil nasa script ito, trip lang nila o kaya naman weh napagutusan dahil mabenta ito sa mga manonood.

pero minsan,...mas nakakasawa pa ang comedy weh..
dahil siguro nagpapakaplastik na tau..
...ayaw na nating sabihin sa sarili natin na natutuwa pa tau sa buhay natin...
...na mas masaya ang tunay na mundo...
...na nakakatawa talaga tau...
...kahit minsan man lang sa buhay natin...
...nakapagpatawa tau...


o baka naman...
...sa buong buhay natin...
...tayu lang sa buong mundo...

...ang pinagtatawanan...



yun na siguro ang panahon para gayahin na natin ang mga madalas nating napapanood sa telebisyon...DRAMA..masyadong madrama...

                            

Comments

'tana pare biglang kumambyo ung punchline m ha!! yung dating eh naka nitro ka tapos kinabig mo sa revrse!! deep pare ang deep! hehehe sabagay sa sobrang kdramahan ng tao ngyon eh gustu n nga nilang hiramin nalang yung script nung sumulat nung series tapos yun nalang yung gagayahin nila sa gumugulong na buhay nila tsk tsk..!


"all the lonely people
where do they all come from?"


- Sir Paul McCartney from Eleanor Rigby

ge tsongs rakenroll.

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .