« Dakila nga ba ang Talipandas? | Main | Tabula Rasa »

October 30, 2007

NAGISING NA ULI ANG MALIIT NA DWENDE!!!

pagkatapos ng MAHABANG PANAHON na nabakante eh...eto na naman! napagisip-isip ko lang ito nitong nakaraang dalawang araw. pagpasensyahan nyo na at medyo corny ehehe  ;p


USAPANG HALLOWEEN:

1. Pugot na Ulo (credits sa mga deads na pari)
Bakit kadalasan sa mga pugot na ulo ay pari lalo na ung mga old skool (Padre           Damaso)? May special treatment ba sa mga pari noon at kailangan pang pugot ang ulo nila pag namatay? Yung mga multo kaya nung GomBurZa eh pugot o nakasakay sa upuan na may garote? May mumung pugot din bang pastor o kaya dyakono? ehehe juk lang! ^_^ Paano kaya ang usapan nila bago sila maging mumu? Parang ganito kaya?
KAMATAYAN: Father, kukunin na kita.
PARI: Ows? Ok ok, pero dapat malinis ang pagkakamatay ko ha?
KAMATAYAN: Di pede un pards! Dapat pugot ang ulo mo!
FATHER: Leche naman! Sayang ang kagwapuhan ko!
KAMATAYAN: WALA AKONG PAKELAM :p
teka...wala pa akong nababalitaan na mumung pugot na MetroAid, dyipnidrayber, salesman ng encyclopedia, lasenggero o kaya presidente ng kahit na anung bansa. well, siguro nga fashion statement na at patented na sa mga mumung pari ang pugot na ulo ehehe Pag meron mang iba, pede silang tawagin na gaya gaya at walang sariling identity.

2. White Lady and Black Lady (two tone lang ba talaga?)
Eh anu naman kaya yun?! Puro nalang white o black lady! Leche boring masyado kulay nila. Wala bang morenang lady, yellowish lady (yung mumung intsik), redish lady (yung lasinggera), o kaya naman eh albinong lady parang anak araw? Sino kaya mas malupit manakot sa dalawa? Yung napanood ko kasi sa Magandang Gabi Bayan eh parang gago yung black lady. Kalampag ng kalampag sa screen door! Adik ata... Pero mas malupit ung white lady! Imagine-in mo, nasa kusina ka tas biglang lumitaw si WL (white lady). Nanlilisik ang mga mata! Kinakalampag nya ung mga kaldero at kawali! *cut scene* Nasa harap mo na siya! Nakatapat ang mukha nya sa mukha mo at 3 inches lang ang pagitan nyo! Dahan dahan syang pumikit..tas bigla ka nyang hinalikan! *cut scene* bed scence ang katuloy! nakahiga kayo pareho. takip takip lang kayo ng kumot. nakatulala lang sya sa kisame tas biglang baling sya sayo! ngumiti tas sabay nagpasalamat. TAENA NAKAKATAKOT UN PARE PARE!!! ehehe Pero mabalik sa usapan, bakit puro babae nalang? white LADY? black LADY? PURO LADY NA LANG!! feministic na ba ang approach ngayon pare pare? Tsaka parang kailangan na nila ng bagong fashion adviser. Eka nga "Life is still colorful even for the dead." ehehe

3. Tiyanak (naknampota)
Naknampota talaga mga tiyanak! Ang lalakas umiyak tas pag pinansin at pinatahan mo naman eh bigla ka namang ngingisabin! May ADHD (Attention Deficit Hyperactivity Disorder) ata yung mga yun eh. Tas ang dami dami pang tiyanak sa Lingap! ooops..ehehe Pero kung sila nga yung mga tinatawag na devils' offsprings eh bakit wala ung umbilical cord nila? Sa tingin ko kasi cute sila pag meron sila nun. Pramis. Parang, it complements the horror eh! Malagkit na nga sila tignan eh meron pang nakasabit na kurdon na naglalabas ng kung-anu-man-yun-na-mas-malagkit! CUTE! NICE! KADIRI pare pare! DUGYUTIN EFFECT! Speaking of dugyutin, pede kayang anak sila ng mga dugyuting palaboy na walang ginawa kundi manlimos, suminghot ng dram dram na rugby, gumawa at manganak ng sangkatutak na tiyanak, tas sabay ibobote nila at iiwan nalang kung saan? Pramis. Pede kaya? ehehe

4. Tikbalang Fever (fresh from San Lazaro)
Naisip ko lang, pede kayang ung mga tikbalang eh yung mga mercy-killed horsies sa San Lazaro na walang awa at pakundangan na binabaril dahil lang sa natapilok sila? ehehe Bakit katawang tao at ulo ng yokababs ang itsura ng tikbalang? Maporma sana kung katawan ng horsie tas ulo ng tao! ehehe Pedeng ung ulong pugot ng mga pari yung ikakabit dun! hwehehe At ano naman 'tong paniniwala na magiging Super Sayan ka kapag nakakuha ka ng buhok ng tikbalang? Leche! Ang tikbalang eh horsie at ang Super Sayan eh monkey! Mga kwento talaga minsan bomalabs. Speaking of kwento eh bida ng isang barkada ko eh nakakita daw yung nanay nya ng tikbalang sa tanghali. Tanghaling tapat meron? Pede! Eh bakit ung isang kakilala kong tikbalang umaga palang eh pumapasada na ng tricycle? Hello sayo pare pare Janong! ^_^ ehehe

5. Orbs (waaaaw tutsal ang pangalan)
Eto maporma! Sila ung mga bilog bilog na pangsabit sa krismas tree na lumalabas sa mga pictures. Pero di lahat ng Orbs (sosyal talaga ang pangalan) eh korteng bilog. Ayon kay Mr. Jaime Licauco, meron ding orbs na korteng triangle, diamond, square etc. Sa tingin ko meron ding korteng rhombus, right triangle, nonagon at kung anu-ano pang polygon. Basta asteg sila! Di din daw lahat ng orbs eh color white. Hah! Talbog na ang mga white lady dito! ehehe Meron daw kulay purple, red, yellow, blue, stripes, checkered at kung anu-ano pa ehehe. Hah! Kolorpul talaga! Tas ang isa pang nagpa-asteg sa kanila eh ung kadalasan nilang paglabas sa picture na puro babae! Mahilig sila! Mahilig sila sa mga chickas! hwehehe Speaking of babae, may kakayahan daw si Rosana Roces na utusan ang mga orbs! Kaya daw nyang sabihin sa kanila kung saan sila pupwesto para sa picture taking. Pag trip nyang madaming orbs sa paanan mo  o kaya naman sa ulo mo eh pedeng pede mangyari. Kamtutinkopit, pwede nyang gawing business yun. Parang "Do you want to have your picture with the supernaturals?". Pedeng itakip ung orb dun sa mukha ng kaibigan mong gusto mong pagtripan tas saka mo sya takutin!ehehe Kikita sya ng malaki dun!


kung may mga napapansin pa kayong mga kaabnormalan sa mga kwentong multo gaya ng mga abnormalities sa itsura nila, sa kadalasan nilang ruta sa panggugulat, mga pede pang retokihin sa kanila, o kaya naman ay kung may mga mapipapayo pa kayo about color combinations para sa mga LADIES na mumu, yung pedeng cute na ribbon para sa mga tiyanak, or anung mapormang stuff toy ang pamalit sa ulo ng pugot na mumu eh feel free pare pare na magpost ng comments nyo. malay ko kung mas abnormal pa pala kayong mag-isip kesa saken! ehehe Rakenrol!

                            

Comments

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .