« Destined. Unexpected. | Main | IT IS DONE »

November 19, 2007

Tumatanda ng Patagilid

Bago ang lahat, eto muna: Maraming salamat po Ama sa buhay na pinagkaloob Ninyo sa akin. Maraming salamat po sa lahat ng biyaya, sa pamilya, sa mga tunay at tapat ng kaibigan at sa lahat ng mga aral na binigay Ninyo sa akin. Utang ko po ang buhay ko sa Inyo. Amen. ^_^

amfufu...chineck ko pa kalendaryo saka ung relo sa PC..amfufu...amfufu talaga! tumanda na naman ako! hehehe kung sa bagay di talaga maiiwasan ang pagtanda. pero parang di ko talaga naramdaman, parang "Anung petsa na?...Ha?! Amfufu! (sabay pagkit ng kamay sa mukha). Ang bilis naman?!" Sana man lang merong mga anghel na magsisi-sulputan sa kawalan, may mga dalang balloons saka cake nyahaha! Surprise! parang ganun. kaso wala eh. pero..baka busy pa silang nagba-bake ng cake para sa lahat ng tumanda ngayong araw na 'to. baka naman halos magkan beke na ung mga pisngi nila kakaihip sa mga lobo ^_^

teka...maalala ko lang...panu na nga ba ung Tumatanda ng Pasulong o Paatras? Pansin ko kasi, kahit alin man sa dalawang direksyon na 'to eh di ako kabilang. Well, di naman totally na 'di talaga ako kasama dito, may parte lang na minsan pasulong ako o paatras. Depende kasi sa sitwasyon. Minsan parang ramdam ko na pa-abante ang hakbang ko tapos mapapansin ko na lang baliktad pala mga paa ko, nakaharap pala sa likod. Parang ganito yata ang nangyayari: 'Parang 'di lahat ng hakbang pasulong ay ayos o sakto. Minsan kailangan din na umatras lalo na kung 'di ako sigurado kung saan ako pupunta. Minsan din naman, kailangan ding huminto sa paglakad, magmuni muni sa mga nangyari, pagmasdan at intindihin ang mga pangyayari at estimahin ang mga mangyayari.

Maaaring tama ako sa iniisip ko. Parang kailangan munang i-enjoy ang buhay. 'Di ung padalos dalos at sugod agad sa mga bagay na di ko kabisado. Mahirap na, baka pagsisihan ko pa na sumige agad ako. Pero parang di naman sa lahat ng pagkakataon ay kailangan nakahinto na lang. Baka kasi dumating ang oras na wala na akong hahakbangan, wala ng kinabukasan na pupuntahan, at baka lahat ng bagay ay di ko na maiintindihan. Syempre kailangan ko din naman isipin ang magiging buhay ko sa hinaharap. Sa pamilya, propesyon, at mga iba pang bagay na magiging "Ako". Pero siguro, hindi ko kailangang i-set nang buo ang isip ko agad agad sa buhay hinaharap. Kailangan ko munang buoin ang magiging "ako" ngayon. Kailangan ko munang mag-ipon ng mga alaala, pagmamahal, karanasan sa buhay, tibay ng kalooban, at nang sapat na lakas para ihakbang muli ang mg paa ko. Hakbang pasulong, di paatras.

Maisingit ko lang, minsan nga, naisip ko lang, ang hirap din palang isipin ang mga ganitong bagay. Kaya nga sablay sablay ako minsan. Kaya nga pwede ko sabihin na "TUMATANDA AKO NG PATAGILID" hehe ayan nasabi ko na! ang haba haba pala ng entrada ko at kung anu-ano pa nasabi ko weh un lang pala sasabihin ko nyahahaha!

So sa ngayon, kailangan ko ng matulog. Kailangang mag-ipon ng lakas at enerhiya para mamaya...para sa muling paghakbang nga mga paa. Magandang umaga! ^_^

P.S. Sana pag-gising ko...merong mga balloons! Maraming maraming balloons! Saka cake!!!! nyahahahaha! :p

                            

Comments

buti nman naisipan mo...
anong PETSA na kapatid...

it's about time men...

kuya ralph.. i was really fascinated sa ginawa mo na ito ha.
Talagang nakakapagisip kung ang paglaki ay pabalik o pasulong...
and naenjoy ko ang pagbasa nito. natawa ako sa anghel na may hawak ng cake at may baloons at susulpot and say surprise hehehe
nice,

mas ok kapag may kasamang pang clown hahaha

saka pala fried chicken sponsored by San Pedro nyahaha

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .